DDS Blogger, Pinatunayan ang Pagkakaiba nila sa mga Dilawan: "Kita mo Harold, hindi kami bastos kagaya mo"

Andrew Olivar | Harold Bandejas | CTTO
Kamakailan ay inulan ng batikos sa social media ang isang Dilawan dahil diumano sa isang viral post nito sa Twitter kung saan ay kanyang binigyan ng mababang rating ang isang Grab driver dahil lamang sa pagiging Duterte supporter nito.

Ang Dilawan ay kinilalang si Harold Bandejas, miyembro ng Philippine Institute of Interior Designers at isa ding social media influence.


"I took a Grab and noticed my Driver is a police officer, a DDS.

Driver: Balik na naman tayo sa MECQ, sir. Ang titigas kasi ng ulo ng mga Pilipino!

Triggered Me trying to stay calm: WALA KASING KONGKRETONG PLANO ANG GOBYERNO!

So, i gave him 1 star!",
tweet ni Bandejas
Photo shared by Andrew Olivar | CTTO
Dahil sa pahayag niyang iyan, madaming netizens ang nagpaabot ng galit at inis sa dilawan, sa hindi diumano nito pagtrato ng patas sa Grab driver na nagtatrabaho lang naman ng marangal at hindi kailanman marapat na husgahan at bigyan ng mababang marka sa trabaho dahil lamang sa pagkakaiba nila ng opinyon.

Isa sa naglabas ng saloobin at galit kay Bandejas ay ang sikat na DDS blogger na si Andrew Olivar.


Andrew Olivar | CTTO
Sa kanyang Facebook post, ipinarating ni Olivar ang kanyang pagkadismaya at sinabing magpaka-professional naman si Bandejas.

Dito ikinuwento niya din ang kanyang sariling karanasan sa isang Dilawang Grab driver naman at kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng pagtrato niya dito sa ginawang pagtrato ni Bandejas sa isang DDS driver.


Narito ang buong kwento ni Olivar:

"Dear Harold,

Wag ka masyado ep na ep at mapersonal! MagpakaPROFESIONAL ka!! Ito basahin mo ang experience ko last FEBRUARY sa isang DILAWAN.

Last february may nasakyan ako na grab. Pauwi na ako dahil bumili ako ng mga LIBRO sa big bad wolf sa world trade center..

Nung nakasakay na ako. Sabi nung lalaki..

Grab driver: ahh bumili din ako last time jan ng mga books. Grabe andami din palang mga PILIPINO na mahilig magbasa. Akala ko puro DDS lang na b0b0 ang mga Pilipino.

Tumahimik lang ako. At salita sila sya ng salita..

Grabe driver: bastos yang mga DDS na yan eh .puro fake news mga pinapakalat nila. Lalo na yang si mocha uson. Parang mga walang pinagaralan ang mga DDS na yan. Mga bastos

At nagsalita na ako.

Me: kuya DDS BLOGGER ako. Hehehehehe

Napatingin si kuya sa Cellphone nya at nakita nya name ko.

GRAB DRIVER: ikaw si drew olivar?? Yung kasama ni mocha uson? Ang gwapo mo pala sa personal..

Me: hindi naman po hehehehe



GRAB DRIVER: sir wala hindi ko po nilalahat ng dds hah. Pasensya na po.

Me: walang problema sir.may karapatan naman tayo at may mga iba iba tayong mga opinyon..

Nung nakadating na kami sa condo ko.

Me: sir bayad ko. Keep the change na lang sir at pang meryenda na lang.

GRAB DRIVER: hala thank you sir. Sir pwedeng magpapicture para isend ko dito sa online group naming mga grab drivers. Para makuta nila na ikaw naging pasahero ko.

Me: ok lang sir..

GRAB: nagdedebate din kasi kami nung mga DDS na grab driver sa group namin. Heheheh

Me: o sya kuya salamat sa paghatid at safe kami nakarating.

*friend na kami ngayun.. pinatunayan ko sa kanya na MAAYOS sa totoong buhay ang mga DDS..

Kita mo harold, hindi kami bastos kagaya mo."



Source: Andrew Olivar

No comments:

Post a Comment