Super Tekla, Nagsalita na! Itinanggi ang mga paratang ng Live-in Partner! "Hindi ko magagawa yan, Michelle!"

Comedian, Super Tekla | Photo credit to GMA News

Ngayong Miyerkules, Oktubre 22, 2020, sinagot na ng komedyanteng si Super Tekla ang mga akusasyon at paratang na ibinato diumano laban sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.


Matatandaan na kahapon, Martes, ay lumabas si Michelle sa isang 'tell-all complaint' sa isang programa sa YouTube na kung saan inakusahan niya ang komedyante ng pang-aabuso. Ayon kay Michelle, pinipilit siya ni Tekla na sumiping dito kahit sa mga araw na masama ang kanyang pakiramdam.



Tekla's live-in partner, Michelle Lhor Bana-ag in a YouTube program | Photo credit to the owner

Comedian, Super Tekla | Photo credit to the owner

At kapag siya diumano ay tumanggi, ay minumura siya nito, hindi siya binibigyan ng allowance para sa kanilang anak, at kung minsan ay aalis na lang ng bahay na hindi mag-iiwan ng pera para pangkain.

Sinabi din ni Michelle na madalas ay ginagawan siya ng malaswa ni Tekla kahit sa harap ng kanyang mga kamag-anak, kabilang ang mga bata, na nakatira sa kanila. Idinagdag niya din na pinipilit siya nito na gumamit ng contraceptive injection kapag hindi ito makapagpigil na siya ay gamitin.



Tekla and Michelle Lhor Bana-ag | Photo credit to the owner

"Kasi hindi po siya mapigilan yung sarili niya. Gusto siya mo akong galawin. Para po safety, pina-injectionan niya po ako.", aniya.

At isang araw nga matapos ang nakakabiglang rebelasyon ng live-in partner, ay nagsa-publiko na din ang komedyanteng si Tekla, upang sagutin ang mga paratang ni Michelle. Isang emosyonal na Tekla ang nagsalita at sinasabi na ang ginawa ni Michelle ay isang sensitibong isyu na dapat tinalakay lamang sa loob ng pamilya.

"Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle," sabi ng komedyante.

"Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan." dagdag niya.

Kanya ding pinabulaanan ang mga akusasyong sekswal na binanggit ni Michelle, at sinabing hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon dahil mayroon siyang mga kamag-anak na babae.

"Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae ... Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko," ani Tekla.



Tekla and Michelle Lhor Bana-ag | Photo credit to the owner


Pinagdiinan din ng komedyante na siya ang palaging umiintindi upang maayos ang kanilang relasyon at hindi kailanman siya nagpabaya sa pinansyal na obligasyon dito at sa kanilang anak.

"Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh."

"Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic," pag-sasaad ni Tekla.

Sinabi din ng komedyante na hindi niya ni minsan napabayaan ang kanyang anak na si Baby Angelo, na ipinanganak na may anorectal malformation. Siya din daw ang nagbantay at nagpakasigurong magiging matagumpay ang naging operasyon nito.

"Siya ang hindi pumupunta sa ospital," sabi ni Tekla ni tinutukoy si Michelle. "Ako, kani-kanino ako humapit ng tulong para maligtas ang bata dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle.", pag-didiin ng komedyante.



Comedian, Super Tekla | Photo credit to GMA News

Itinanggi din niya ang paggamit ng iligal na droga, at sinabing handa siyang magpakuha ng drug test upang mapatunayan ito.

Sa panayam ding iyon, sinabi ni Tekla na laking gulat niya sa mga sinabi ng live-in partner at hanggang ngayon ay hindi ito maunawaan at matanggap.

"Di pa nag-si-sink in 'yun sa utak ko na gagawin' yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, plinano nilang lahat ... kung titignan mo yung video, wala akong kaalam alam," Sabi ni Tekla.

Nagbigay din siya ng mensahe kay Michelle at sinabi ang mga katagang ito..

"Michelle, karapatan mo yun, karapatan mo yun, nung una pa lang. Binlock n'yo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat." , pagtatapos ng komedyante.


Source: GMA News



No comments:

Post a Comment