A daughter's plea: "Pulis din ang tatay ko. I never feared men at arms"

Photo credit to Ria O. Momblan's Facebook account

Matapos ang nakakalungkot na pangyayaring naganap sa pagitan ng pulis na si Jonel Nueza at ng namayapang mag-inang sina Sonyq Gregorio at Frqnk Anthony Gregorio, umapaw sa social media ang pakikiramay ng mga netizens sa pamilya ng mga biktima, kasunod ang galit at poot naman sa nasabing pulis at sa anak nitong naging dahilan diumano ng pangyayari.

Kamakailan ay ginulat ang 'online world' ng viral video ng mainit na argumentomg naganap sa dalawang pamilyang nabanggit, na naging sanhi ng pagpaslang ng pulis na si Nuezca sa walang kalaban-laban ng mag-ina, sa Paniqui, Tarlac.


Photo credit to the owner

Kita-kita sa nasabing video ang maselang pangyayaring iyon kaya naman napakarami ang nag-paabot ng galit sa pamilya ni Nuezca, at pag-initan sa social media ang organisasyon na kinabibilangan ng huli.

Gayunpaman, marami din ang nagsasabing hindi naman lahat ng miyembero ng kapulisan ay tulad ni Nuezca, kaya huwag naman sanang lahatin at i-'generalize' ang mga pulis sapagkat ang pangyayaring naganap na iyon ay isang 'isolated case' at ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng buong Philippine National Police (PNP).

Photo credit to the owner



Isa sa nagpaabot ng kanyang sariling opinyon at pakiusap ay isang netizen na si Ria O. Momblan, na diumano ay anak din ng isang pulis.

Ani Ria, pulis din ang kanyang tatay at kailanman ay hindi siya natakot sa myembro ng kapulisan dahil kanyang nasaksihan kung gaano karangal ang trabaho ng mga ito.

Kaya naman higit din ang kanyang naramdamang galit at lungkot sa tulad ni Nuezca na ginamit ang posisyon at nanakit at bumawi ng buhay ng iba.

Photo credit to Ria O. Momblan's Facebook account

Photo credit to Ria O. Momblan's Facebook account




Pakiusap din ng netizen na si Momblan sa lahat ng tatay na palakihin ng tama ang mga anak.

Narito ang kanyang Facebook post:

"Pulis din ang tatay ko...

I never feared men at arms because I grew up witnessing how honorable their
 job is. 

Both my lolo and father are from the military which makes me get used to seeing them carrying guns when they're around but never have I seen them use it to their advantage to incite fear to others.
It just p!sses me off to see SOME of them took advantage of their position and even have the audacity to brag about it?

Pulis din ang tatay ko at alam niya kung saan lulugar.

Above all, human dignity.

Ps.
To all fathers out there,
Palakihin ng tama ang inyong mga anak."

Screenshot of Momblan's post | Credit to her Facebook account





No comments:

Post a Comment