Hinaing ng kaibigan at isa sa mga Suspek: "Walang gumalaw kay Tin, Siya pa Mismo Nag Book ng Hotel"

Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account

Lubhang ikinagulat ng lahat ang nangyari sa isang flight attendant na si Christine Dacera, 23, na diumano ay natagpuang wala ng buhay sa isang Hotel room sa Makati City, unang araw ng bagong taong 2021. 

Patuloy na mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media kung ano ang tunay na nangyari kay Christine at kung mayroon nga bang nangyaring foul play sa pagitan niya at ng mga kasama ng gabing iyon, na halos ay kanyang mga kaibigan at kasama sa trabaho.



Una ng napabalita na posibleng ginahasa si Christine, dahilan ng kanyang pagpanaw, kaya naman marami ang nag-paabot ng pakikiramay para sa kanyang pamilya at kaibigan at nanawagan ng hustisya para sa dalaga.

Hawak na ng mga pulis ang tatlo sa diumano'y mga suspek at pinaghahanap naman ang iba pa.

Kabi-kabila naman ang lumalabas na istorya tungkol sa tunay na pangyayari. At dalawang bersyon ang tila lumalabas mula sa magkabilang panig. Ang tanong ngayon, ay kaninong bersyon ang tunay na naganap at papaano ito mapapatunayan.

Isa sa naglabas ng hinaing at pinabulaanan ang mga paratang ng madla ay si Valentine Rosales, isa sa mga pinangalanang suspek sa diumanong krimen.

Binasag ni Rosales ang kanyang katahimikan ilang araw matapos lumabas ang kanilang pangalan sa social media at pinaratangang kasapi sa krimen. 

Sa pamamagitan ng Instagram stories, ipinarating niya ang kanyang paliwanag at sinabing walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa kanilang magkakaibigan. Ginawa lamang daw ng social media ang storya at walang naganap na foul play laban kay Christine.

Binanggit nya din sa naturang post na walang gumalaw kay Christine at ito pa mismo ang nagbook ng hotel rooms na nakapangalan mismo sa kanya.

Naniniwala din si Rosales na lalabas ang katotohanan at mangingibabaw ang katarungan.

Nagpasalamat din siya sa mga taong naniniwala sa kanilang magkakaibigan at nagparating ng suporta at pagmamahal sa kanya.



Narito ang ilan sa mga naging pahayag ni Rosales:


Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account


Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account

Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account



Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account

Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account

Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account




Photo credit to Valentine Rosales' Instagram account



Sourcevalentinersls | Instagram

2 comments:

  1. It is the best time to make some plans for the future and it’s time to be happy. I have learn this post and if I may just I wish to suggest you few interesting things or suggestions. Perhaps you can write subsequent articles regarding this article. I want to learn more things approximately it! buy steroids

    ReplyDelete
  2. I’m having a hard time viewing this information from my iPhone. Maybe you could upgrade the site and make it more accessible from my phone. Thatd be real cool! 꽁머니 사이트

    ReplyDelete